Tradeground

Reputation tiers at badges, ipinaliwanag

May maliliit na badge pagkatapos ng mga username sa Tradeground. Ito ang ibig sabihin ng bawat isa at kung paano ito makukuha.

Na-update Okt 31, 2026

Read in English

Ano ang mga reputation tier?

Galing ang tier mo sa likes na binibigay ng ibang trader sa posts mo.

TierKailangang likes
Rookie0
Regular500
Notable1,000
Veteran2,500
Legend5,000

Aling likes ang binibilang?

  • Likes mula sa ibang trader sa mga nakikitang post mo.
  • Hindi binibilang ang sarili mong likes.
  • Hindi binibilang ang likes sa mga naka-hide na post.
Post 1: 200 likes   Post 2: 250 likes   Post 3: 100 likes
Total: 550 likes  →  Regular (susunod: Notable sa 1,000)

Saan makikita ang tier ko?

Pagkatapos ng username mo sa posts at comments, at sa profile mo. Sa profile mo lang lumalabas ang Rookie, kasi halos lahat doon nagsisimula; mula Regular pataas, lumalabas na ito kahit saan.

Ano ang ibig sabihin ng check mark at PRO?

BadgeIbig sabihin
Blue checkNa-confirm ng trader ang email address niya
PROTradeground Pro member. Hindi ito kailanman nakakatulong sa rank niya

E yung #5 o Top 300?

Iyan ang mga rank badge: ang rank ngayong season sa market ng post, mula #1 hanggang #100, tapos Top 200 hanggang Top 1000.